Ang love parang aksidente ‘yan. Unexpected
kung dumating. Darating at darating na lang nang ‘di mo inaasahan. Biglaan kang
tatamaan. Hanggang sa wala ka nang magagawa kundi tanggapin. Pero ang love ay hindi isang malaking aksidente.
Nakatadhanang mangyari ang pag-ibig. Destined.
Meant to happen. Hindi mo nga lang alam kung maganda o hindi ang
kalalabasan.
Kasama na nga ng love ang pain. Masasaktan ka ng ilang beses. Madadapa. Masusugatan ka. Iiyak
ka. Pero tandaan mo, hindi mo kailangang magmukmok dyan. Matuto kang tumayo.
May tumulong man sa’yo o wala, kailangan mong tumayo. Kailangan mong tulungan
ang sarili mo.
“Nobody knows just why we're here. Could it be fate or random
circumstance? At the right place, at the right time two roads intertwine…”
Pero kagaya nga ng sinabi ko,
parang aksidente lang ‘yan. Darating at darating din ang nakatadhana sa’yo. Sa
tamang panahon at lugar. Makikilala mo rin siya. ‘Wag ka lang magmadali. ‘Di mo
alam, siya pala ‘yung aabot ng kamay mo. Siya pala ‘yung gagamot sa sugat mo.
Siya pala ‘yung pupunas ng mga luha mo. Siya pala ‘yung tutulong sa’yong
tumayo.
“And if
the universe conspired to meld our lives, to make us fuel and fire. Then know
where ever you will be so too shall I be…”
Pa’no kung dumating na siya tapos
‘di ka pa handa? Wala ka nang magagawa. Kung siya na talaga ang nakatadhana sa’yo,
siya na. Kahit ayaw mo. (Wow ha, ikaw pa
choosy.) De. Ganito ‘yan, ‘di mo naman kailangang i-pressure ang sarili mo sa mga bagay-bagay. Kung siya na talaga ‘yun,
hihintayin ka naman niya kahit na gaano pa katagal. Tutulungan ka pa niya. ‘Wag
ka lang kampante. Baka naman kasi palagpasin mo pa ‘yung pagkakataon ‘yung
tipong end of the world na, ‘di ka pa
rin handa. Okay. Ganito kasi ‘yan, ang
tadhana na ang gagawa ng paraan para lang mag-meet kayo sa iisang point.
Kagaya nu’ng mga napapanood na clichés
sa mga teleserye. Mga ganu’n. Kuha?
“Close your eyes, dry your tears. ’Coz when nothing seems clear, you'll
be safe here…”
Pagkatapos ng lahat-lahat at
tanggap mo na, dito na darating ‘yung mga araw na masaya ka. Syempre ‘di naman laging
perfect, may ups at downs din.
Darating din ‘yung time na kampante
ka na sa kanya. Tapos parang best friend
mo na siya, siya na ‘yung iyakan mo. Nahanap mo sa kanya ‘yung comfort zone.
“From the sheer weight of your doubts and fears, weary heart, you'll be
safe here…”
Speaking of comfort zone, sa kanya mo na rin nailalabas ‘yung mg problema mo. Sa kanya mo nasasabi ‘yung mga sikreto mo. ‘Yung kilala niyo na ang isa’t isa. At alam mong safe sa kanya ang lahat-lahat. ‘Yun na ‘yun.
“Remember how we laughed until we cried. At the most stupid things like
we were so high. But love was all that we were on we belong…”
May sarili kayong mundong kayo lang ang nakakaalam. Mga tinginang kayo lang ang nagkakaintindihan. Mga ngitiang nauuwi sa halakhakan. Magtataka ang lahat kung ano ba ang ibigsabihin ng mga senyasan niyo. Kasi nga kayo lang ang nagkakaunawaan. At dedma na lang kayo sa paligid niyo.
“And though the world would never understand this unlikely union and
why it still stands. Someday we will be set free. Pray and believe…”
Halos lahat ay nagtataka kung
bakit kayo pa, bakit kayo nagtatagal. Parang wala naman kayong ginagawa. Wala nga
ba? O hindi lang nila makita ‘yung effort
niyong dalawa para magtagal kayo? Kasi naka-focus
lang sila sa effort nu’ng isa. ‘Wag kang mag-alala, maiintindihan rin nila.
“When the light disappears and when this world's insincere, you'll be
safe here. When nobody hears you scream, I'll scream with you, you’ll be safe
here…”
Ang sarap sa pakiramdam nu’ng
sasamahan ka niya sa mga bagay na ‘di mo kayang harapin. Siya ‘yung magsisilbing
flashlight mo sa madilim, mapa sa
tuwing naliligaw ka at unan mo ‘pag may problema ka. Siya rin ‘yung tipo na
sasakyan ka sa mga trip mo, ‘yung tatawa sa mga corny mong jokes. ‘Yung sasamahan ka sa lahat ng bagay. Sa madaling
salita, hindi ka niya iiwan.
“Save your eyes from your tears. When everything's unclear you'll be
safe here…”
Pupunasan ang mga ‘di mapigilang
patak ng luha. At sasabihin sa’yong ‘wag iyakan ang mga bagay na ‘di naman
karapat-dapat iyakan.
“In my arms through the long cold night sleep tight, you'll be safe
here…”
Hahawakan ang kamay mo. Yayakapin
ka. Sasamahan ka.
“When no one understands I'll believe, you’ll be safe here…”
Iintindihin ka sa lahat ng bagay.
‘Yung ‘di ka na pinaniniwalaan ng lahat pero andyan pa rin siya. Naniniwala pa
rin siya sa mga sinasabi mo.
Sige, subukan mo ulit tumayo. I-take mo ‘yung risk. Wala namang masama. Susubukan mo lang naman. Magtiwala ka
lang.
“Put your heart in my hands, you'll be safe here…”
Ngayon, kilala mo na ba ang tinutukoy ko? J
Note: Again, 'di ako 'to. (:
Note: Again, 'di ako 'to. (:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento